MENU

24/7 suplay ng kuryente, abot-kamay na sa Tingloy Island, Batangas

Mahigit sa 3,000 pamilya ang nagkaroon ng akses sa 24/7 power service matapos na makapagdagdag ng bagong 600 kw na generating set ang National Power Corporation sa planta nito sa munisipalidad ng Tingloy sa Batangas.

Dahil dito, ang kabuuang suplay ng kuryente sa lugar ay umakyat sa 2.560 MW. 

Sa halip na isang seremonya ng pagsu-switch-on, ang pamahalaang lokal na pinangunahan ni Mayor Larry Alvarez ay nagpaunlak ng isang simpleng blessing para sa pasilidad. 

Ang Tingloy Diesel Power Plant ay nagsusuplay ng kuryente sa lugar sa pamamagitan ng Batangas Electric Cooperative II.

Ang isla na napapaligiran ng Batangas Bay ay nagtataglay ng ilang mga lantay at nag-gagandahang mga beaches, dive spot, at fish sanctuary. Dahil dito, ang Tingloy ay isa sa mga pangunahing destinasyon ng mga backpackers.