MENU

QC LGU, nagbigay ng isa pang batch ng inoculation para sa mga empleyado ng NPC

Ang mga empleyado ng NPC sa punong tanggapan nito sa Diliman na nasa ilalim ng kategorya ng A4 ay nakatanggap ng kanilang unang dose ng Sinovac sa pamamagitan ng pamahalaang lokal ng Lungsod ng Quezon.

Sa pamamagitan ng pagbabakuna na ito, masisiguro ang ligtas at tuloy-tuloy na serbisyo sa mga kustomer. 

Ang pangalawang batch ng programa ay nakapagbakuna ng 170 pang mga empleyado at personnel sa Platinum Hall ng NPC noong Miyerkules, Agosto 4. 

Ayon sa NPC, habang nasa proseso ito ng pagbili rin ng sarili nitong mga bakuna para sa mga empleyado sa buong bansa, hinihimok nito ang mga empleyado na magpabakuna sa mga LGU kung mabibigyan ng pagkakataon. 

“Ang mga lokal na programa sa pagbabakuna ay makakatulong sa mga empleyado na maging ligtas at protektado habang sinisiguro din ang kaligtasan ng kanilang mga mahal sa buhay,” ani ng NPC Covid Task Force.

Muling nagpa-abot ng pasasalamat ang NPC sa pamahalaang lungsod at kay Mayor Joy Belmonte para sa ikalawang batch ng pagbabakuna na ito.